BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, February 1, 2010

Alaala

Sa aking isipan
laging nananariwa
Ang kahapong nagdaan
Masasayang alaala masarap balikan


Sa aking gunita

Ay ikaw ay kasama
Mga pinagsamahang
Di mawaglit sa isipan


Mga tuksuhan na nakakaaliw
Mga kwentuhan nakakaaliw
Mga asaran di malilimutan
Nasaan na nga ba?


Paglipas ng panahon
Parang nagsilagas na dahon
Unti unting naglalaho
Mga ginintuang araw



Ang dating kasiyahan
Ngayong ginugunita
na lamang
Naglahong parang bula
Nasaan na nga ba?